|
||||||||
|
||
Buluwagan kung saan idinaos ang pagbubukas ng ika-10 CAEXPO
Binuksan kaninang umaga sa lunsod ng Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ang Ika-10 China ASEAN Exposition (CAEXPO). Sa kanyang pambukas na talumpati, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na sampung (10) taon na ang nakakalipas, magmula nang maitatag ang estratehikong relasyon ng Tsina at ASEAN, naging produktibo ang pagpapalitang pang-ekonomiya at pang-negosyo ng dalawang panig. Isa rin aniyang matibay na sandigan ng Tsina at ASEAN ang kanilang estratehikong relasyon sa pagharap sa pandaigdigang krisis pinansyal. Dapat aniyang ibayo pang pahigpitin ang kooperasyon ito, tungo sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan ng dalawang panig.
Premiyer Li Keqiang
Sinabi rin ni Li, na mayroon ngayong mga hidwaang panghangganan sa South China Sea. Pero idinagdag niyang hindi ito dapat maging pangunahing pinagtutuunan ng pansin. Naniniwala aniya siyang malulutas ang isyung ito sa mapayapang paraan.
Ani Premyer Li, nakahanda ang Tsina na pasulungin ang talastasan hinggil sa pagkakaroon ng Code of Conduct in the South China Sea. Pero binigyan diin niyang ang talastasan sa naturang code of conduct ay dapat alinsunod sa balangkas at mga prinsipyo ng Declaration of Parties in the South China Sea.
Dagdag ng Premyer Tsino, sa hinaharap, umaasa siyang matatamo ng dalawang panig ang masaganang kinabukasan sa pamamagitan ng magkasamang pagsisikap.
Dumalo rin sa naturang seremonya ang matataas na opisyal ng mga bansang ASEAN na tulad nina Yingluck Shinawat, Punong Ministro ng Thailand; Thongsing Thammavong, Punong Ministro ng Laos; Thein Sein, Pangulo ng Myanmar; Hun Sen, Punong Ministro ng Cambodia; Nguyen Tan Dung, Punong Ministro ng Vietnam; Le Luong Minh, Secretary General ng ASEAN; at marami pang iba.
Apat na kooperasyon hinggil sa pagpapalitang pangkabataan, negosyo, puwerto, at technology transfer ang inilunsad din sa naturang pagtitipon.
caexpo201309031
|
Reporter: Rhio at Ernest
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |