Aktibo ang mga bahay-kalakal ng iba't ibang bansang ASEAN sa paglahok sa ginaganap na ika-10 China ASEAN Expo (CAEXPO).
Ayon sa estadistika, sa kasalukuyang ekspo, umabot sa 1294 ang bilang ng mga exhibition booth ng mga bahay-kalakal ng mga bansang ASEAN. Ang bilang na ito ay halos sangkaapat ng kabuuang bilang ng mga exhibition booth.
May kani-kanilang sariling exhibition pavilion ang 6 na bansang ASEAN na kinabibilangan ng Indonesya, Laos, Malaysia, Myanmar, Thailand at Biyetnam. Ginawa naman ng mga iba pang bansa na gaya ng Pilipinas ang special design sa lahat ng kani-kanilang mga exhibition booth.
Itinatanghal din sa kasalukuyang ekspo ang mga kilalang-kilalang produkto mula sa iba't ibang bansang ASEAN, na gaya ng bigas mula sa Kambodya, serbesa mula sa Laos, herbal medicine mula sa Thailand, kape mula sa Biyetnam, at iba pa.
Salin: Liu Kai