Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pulitika, hindi dapat makaapekto sa negosyo--Pilipinong mangangalakal

(GMT+08:00) 2013-09-04 15:14:03       CRI

Si Fracis Chua

Sa panayam kahapon ng Serbisyo Filipino kay Francis Chua, Chairman Emeritus ng Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry Incorporated (FFCCCII) at Pangulo ng Philippines-China Trade and Investment Council, sinabi niyang dapat hindi maapektuhan ng pulitika at hidwaang panteritoryo ang negosyo at kalakalan ng Tsina at Pilipinas.

Bagamat, aminado si Chua, na bahagyang apektado ng kasalukuyang situwasyon sa South China Sea ang kalagayan ng kalakalan ng Tsina at Pilipinas, naniniwala siyang ito ay hindi magkakaroon ng malaking epekto sa pangkalahatang kalagayan ng pagnenegosyo ng dalawang panig.

Aniya pa, ang sektor ng pagnenegosyo ng Pilipinas ay naniniwala, na kailangang magpatuloy ang magandang takbo ng kalakalan ng Pilipinas at Tsina, dahil ito ang batayan ng pagpapalago ng ekonomiya, at pagsusulong ng pamumuhay ng mga mamamayan ng dalawang panig.

Dagdag ni Chua, naniniwala siyang sa pamamagitan ng malakas na relasyong pang-ekonomiya, mareresolba ang naturang problema.

Aniya, ang mga Pilipino ay mapagmahal sa kapayapaan, at saan mang sulok ng daigdig, wala nang mas lalamang pa sa mga Pilipino, pagdating sa pakikisalamuha at pagtanggap ng kaibigan. Kaya, aniya, mainam para sa Pilipinas at Tsina na panatilihin ang relasyong mapagkaibigan.

Ang pinaka-importante aniya ay magtulungan ang lahat ng panig, patibayin ang mapagkaibigang relasyon sa pamamagitan ng malakas na ekonomiya, at isulong people-to-people exchanges.

Si Chua ay dumalo sa "Ika-2 Pulong ng Philippines-China Trade and Investment Council, na ginanap kahapon sa lunsod ng Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi. Ang naturang pulong ay bahagi ng idinaraos China-ASEAN Exposition (CAExpo) at China-ASEAN Business and Investment Council (CABIS).

Maraming mangangalakal at matataas na opisyal mula sa Pilipinas at Tsina ang dumalo sa nasabing pulong: kabilang dito ay sina, Ginoong Dong Songgen, Pangalawang Tagapangulo ng Organizing Committee ng Cabis at China Council for the Promotion of International Trade; Ginoong Huang Ribo, Vice Governor ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi; Undersecretary Ponciano C. Manalo Jr. ng Department of Trade and Industry (DTI) ng Pilipinas; Attorney Miguel Varela, Pangulo ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI); at iba pang mga personahe mula sa sirkulo ng kalakalan.

Reporter: Rhio at Ernest

May Kinalamang Babasahin
CAEXPO
v Special Coverage sa Ika-10 CAEXPO 2013-09-02 09:58:28
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>