Kaugnay ng ulat ng panig Pilipino hinggil sa pagtatayo ng panig Tsino ng cement structure sa Huangyan Island, ipinahayag ngayong araw sa Beijing ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na walang ganitong pangyayari, at hindi totoo ang ulat ng panig Pilipino.
Dagdag pa ni Hong, ang Huangyan Island ay likas na teritoryo ng Tsina, at sa kasalukuyan, isinasagawa ng mga bapor ng pamahalaang Tsino ang pamamatrolya sa karagatan nito, para mapangalagaan ang soberanya ng bansa at kaayusan doon. Ito aniya ay lehitimong karapatan ng Tsina, at hindi itong dapat sisihin.
Salin: Liu Kai