Ipinahayag kahapon ni Pascal Lamy, dating Puno ng World Trade Organization(WTO), na naisakatuparan na ng Tsina ang mabilisang pag-unlad ng kabuhayan, at ito ay nagdudulot ng kapakinabangan sa kabuhayang pandaigdig.
Sinabi niya na kasalukuyang umabot sa 7 trilyong dolyares ang kabuuang halaga ng GDP ng Tsina, na katumbas ng 10% kabuuang bolyum ng pandaigdigang ekonomiya. Aniya, sa kasalukuyan, ang Tsina ay hindi lamang nagiging mahalagang bansa ng pagluluwas, kundi nagsisilbi rin itong napakalaking pamilihan ng produkto at serbisyo ng daigdig. Samantala, ang Tsina ay nagiging mahalagang puwersa sa pagbabawas sa pagbuga ng greenhouse gas, dagdag pa niya.
Nang mabanggit ang mga isyung may kinalaman sa alitang pangkalakalan sa pagitan ng Tsina at Europa, sinabi ni Lamy na ang pagsasagawa ng bukas na patakarang pangkalakalan ay pinakamabisang paraan sa pagpapasulong ng kabuhayan. Walang kabutihang maidudulot ang trade protectionism sa muling pagpapasigla ng kabuhayang pandaigdig, dagdag pa niya.