|
||||||||
|
||
Philippines Promition Conference
Isang promosyonal na aktibidad para palakasin ang pagpapalitang pang-negosyo at paglalagak ng puhunan sa Pilipinas, ang idinaos kahapon sa Nanning International Convention and Exposition Center (NICEC) sa lunsod ng Nanning Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi.
Sina Doris Gacho (sa ginta), Arturo Dimaano (sa kanan) ng DTI at Rhio Zablan
Sa panayam sa Serbisyo Filipino, sinabi ni Doris Gacho, Project Manager ng Department of Trade and Industry (DTI), na napakahalaga para sa Pilipinas ng "Philippines Promotion Conference."
Ang layunin nito aniya ay isulong ang pagnenegosyo sa Pilipinas ng mga kompanyang Tsino at iba pang kompanya na mula sa mga bansang ASEAN.
Dagdag pa niya, sa larangan ng trade, dalawa o tatlong kasunduan ang nakatakdang makuha ng Pilipinas dahil sa Ika-10 China-ASEAN Exposition (CAExpo).
Si Undersecretary Ponciano Manalo Jr ng DTI
Sa kanya namang talumpati sa nasabing kaganapan, sinabi ni Ponciano C. Manalo Jr. Undersecretary ng DTI, na magmula nang maitatag ang CAExpo at China-ASEAN Business Investment Council (CABIS) noong 2004, patuloy na tumaas at lumakas ang pagpapalitang pang-negosyo ng Tsina at ASEAN.
Aniya pa, ang bilang ng mga exhibtor at trade visitors mula 2004 hanggang 2012 ay halos naging triple, mula 18,000 hanggang sa 52,000; samantalang ang bolyum ng trade ay halos naging doble rin: mula 1.1 bilyong dolyar hanggang 1.9 bilyong dolyar.
Dagdag pa ni Manalo, ipinagmamalaki rin niya ang 8.2 bilyong dolyar na nakamit ng Ika-9 na CAExpo sa larangan ng international cooperation project.
Sinabi niya, na ang relasyong pangkalakalan ng Tsina at ASEAN ay patuloy na lumalawak. Bago maitatag ang China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA), ang ASEAN aniya ay ikaapat lamang sa mga trading partner ng Tsina. Pero, kasunod ng pagkakatayo ng CAFTA, ang ASEAN ang siya na ngayong ikalawang pinakamalaking trade partner ng Tsina magmula noong 2012.
MOU sa pagitan ng China-ASEAN Business Council and Philippine Investments Promotion Plan Steering Committee
Isang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng China-ASEAN Business Council (CABC) at Philippine Investments Promotion Plan (PIPP) Steering Committee ang nilagdaan din sa naturang aktibidad. Ito ay naglalayong isulong at palakasin ang mutuwal na kooperasyon sa promosyon ng investment.
caexpo20130905
|
Reporter: Rhio at Ernest
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |