Idinaos kamakailan sa Nanning ang pulong sa pagitan ng mga commercial attache ng mga bansang ASEAN sa Tsina at mga mangangalakal na Tsino.
Nagpahayag ng kahandaan ang maraming mangangalakal na Tsino na mamuhunan sa ilang industriya ng ASEAN na gaya ng paghawak ng maruming tubig, paggawa ng mga piyesa ng kotse, car navigation, turismo, at iba pa.
Ayon pa rin sa estadistikang ipinalabas sa pulong, noong unang hati ng taong ito, umabot sa mahigit 2.2 bilyong Dolyares ang kabuuang halaga ng pamumuhunan ng mga bahay-kalakal na Tsino sa mga bansang ASEAN.
Salin: Liu Kai