Sa kanyang paglahok sa Transport Ministers' Special Meeting on China-ASEAN Connectivity na ginanap kamakailan sa Nanning, Tsina, sinabi ni Dinh La Thang, Ministro ng Komunikasyon at Transportasyon ng Biyetnam, na sa aspekto ng konektibidad sa dagat, isinasagawa ngayon nang may priyoridad ng Biyetnam at Tsina ang kooperasyon sa paghahanap at pagliligtas sa dagat at iba pang humanitarian affairs.
Kaugnay ng magkasanib na pagsasanay hinggil sa tele-komunikasyon para sa paghahanap at pagliligtas sa dagat na isinagawa noong Agosto ng nagdaang taon ng Tsina at Biyetnam, sinabi ng nabanggit na ministro na sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, maaring magkaroon ang dalawang bansa ng mga bagong pormal na kooperasyon sa hinaharap.
Salin: Liu Kai