Kaugnay ng pagbatikos ng Pilipinas sa paglalagay ng Tsina ng mga konkretong bloke sa Huangyan Island, sinabi ngayong araw sa Beijing ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang naturang isla ay likas na teritoryo ng kanyang bansa, at dapat igalang ng Pilipinas ang teritoryo at soberanya ng Tsina.
Dagdag pa ni Hong, dapat sundin at ipatupad ng Pilipinas, sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon, ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea, para makalikha ng paborableng kondisyon at kapaligiran sa pagtalakay hinggil sa Code of Conduct in the South China Sea.
Salin: Liu Kai