|
||||||||
|
||
Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), halos 400 ang mga Pilipinong eksibitor ngayong taon at ang mga produktong Pilipino na kanilang ipinapakita ay talagang mataas ang kalidad at maipagmamalaki sa buong mundo.
Kabilang sa mga produktong ito ay mga sapatos, palamuting pantahanan na gawa sa mga kabibe, natural na juice ng ibat-ibang prutas, matataas na uri ng bigas, sardinas, patis, suka, toyo, muwebles, at marami pang iba.
Si Grace See
Ayon kay Grace See, Presidente ng Trans-Ocean Food Products Incorporated, napakaraming mga Tsino ang interesado sa kanilang mga produkto. Aniya, nakakatuwa ito dahil naipapakilala sa mga Tsino ang mga dekalidad na produkto ng Pilipinas.
Mula sa kanan, Betty Jacildo, ang kanyang asawa, at Rhio Zablan
Sinabi naman ni Betty Jacildo, Proprietress ng Jacildo's Handicraft, mataas ang bilang ng mga taong nagpupunta sa CAExpo ngayong taon, at marami ang bumibili sa kanilang mga paninda.
Sina Emilia Fernandez (kaliwa) at Amihan
Mga bulaklak na rosas naman na gawa sa dahon ng mga punong-kahoy ang ineeksibit ni Emilia Fernandez, Proprietress ng Maddela Flowers and Crafts. Aniya, mayroon na siyang mga prospect na buyers; at kapag nalaman ng mga tao na gawa sa tunay na dahon ng punong-kahoy ang kanyang mga bulaklak, talagang nagiging interesado sila.
Si Brian Lim
Samantala, sinabi naman sa Serbisyo Filipino ni Brian Lim, Supply Chain Manager ng SL Agritech Corporation, napakagandang oportunidad para sa Pilipinas na sumali sa Ika-10 CAExpo dahil napakalaking pamilihan ng Tsina, marami ang potensyal nito, at mayroong buying power ang mga Tsino.
caexpo201309062
|
Reporter: Rhio at Ernest
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |