Kinumpirma kahapon ng Pulong ng mga Mataas na Opisyal ng ika-10 China-ASEAN Expo o CAExpo na idaraos ang Ika-11 CAExpo sa Nanning ng Rehiyong Autonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, Tsina, mula ika-19 hanggang ika-22 ng Setyembre ng susunod na taon.
Itinakda rin ng naturang pulong ang limang pangunahing paksa sa ika-11 CAExpo na kinabibilangan ng kalakalan ng paninda, kooperasyon sa pamumuhunan, kalakalang panserbisyo, maunlad na teknolohiya, at Cities of Charm. At ayon sa regular na rules, ang Singapore ang magiging "Country of Honor" sa susunod na CAExpo.
Salin:Sarah