Magkasamang ipinatalastas ngayong araw nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na si Almazbek Atambaev mula sa Kyrgyzstan, na pataasin ang relasyon ng dalawang bansa sa antas ng estratehikong partnership.
Pagkatapos ng kanilang pag-uusap, ipinahayag ni Xi na ang pagkakatatag ng estratehikong partnership ng dalawang bansa ay angkop sa kapakanan ng dalawang bansa at hangarin ng kanilang mga mamamayan.
Sinabi pa ni Xi na patuloy na kakatigan ng kanyang bansa ang pagsisikap ng Kyrgyzstan para pangalagaan ang pagsasarili, soberanya, pambansang katiwasayan at pagpapasulong ng kabuhayan.
Ipinahayag naman ni Atambaev na hinahangaan niya ang mapagkaibigang patakarang panlabas ng Tsina kung saan pantay ang lahat ng mga bansa. Nakahanda aniya siyang pahigpitin, kasama ng Tsina, ang kooperasyon sa kalakalan, enerhiya, komunikasyon, transportasyon, at kultura.
Bukod dito, buong pagkakaisang sinang-ayunan ng mga pangulo ng dalawang bansa na pahigpitin ang kooperasyon sa pagbibigay-dagok sa terorismo, ekstrimismo at separatismo sa rehiyong ito, at pasulungin ang kooperasyon at kaunlaran ng mga kasaping bansa ng Shanghai Cooperation Organization.