Sa Porum ng Tsina at ASEAN sa Kultura na ipininid kahapon sa Nanning, Tsina, iminungkahi ni Tim Curtis, rehiyonal na namamahalang tauhan ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO), na magtutulungan ang Tsina at ASEAN sa pag-aaplay ng mga UN intangible cultural heritage.
Sinabi ni Curtis, na may parehong pinanggagalingan ang maraming intangible cultural heritage ng Tsina at ASEAN. Kaya aniya, kung magtutulungan ang dalawang panig sa pag-aaplay ng UN intangible cultural heritage, mas madaling tanggapin ng UN ang mga ito, at magiging mas maganda ang proteksyon sa naturang mga pamana.
Positibo sa mungkahing ito si Dong Wei, Pangalawang Ministro ng Kultura ng Tsina na kalahok din sa naturang porum. Ipinahayag din niya ang kahandaan ng Tsina sa pakikipagtulungan sa ASEAN sa aspektong ito.
Salin: Liu Kai