Sa imbitasyon ng panig Kambodyano, mula kahapon hanggang ngayong araw, gumawa ng opisyal na mapagkaibigang pagdalaw sa Kambodya ni Liu Yunshan, Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Partido Komunista ng Tsina. At kinatagpo ang mga lider ng Kambodya.
Nang katagpuin ni Haring Norodom Sihamoni, pinarating ni Liu ang pagbati ni Pangulong Xi Jinping kay Haring Sihamoni at sinabi pa niyang palagiang mataas na pinahahalagahan ng Tsina ang relasyon nila ng Kombodya at buong tatag na kinakatigan ang Kombodya na piliin ang ladas ng pag-unlad na angkop sa sariling kalagayan. Umaasa aniya ang Tsina na pananatilihin ng Kambodya ang katatagan, pagkakaisa at pag-unlad.
At sa kanyang pakikipagtagpo kay Hun Sen, Punong Ministro ng Kambodya, nagpahayag muna ng pagbati si Liu sa matagumpay na pagkakapanalo ng People's Party sa katatapos na halalang parliamentaryo. Sinabi ni Liu na pinasasalamatan ng panig Tsino ang palagiang pagkatig ng Kombodya sa mga nukleong kapakanan at interes ng Tsina. At patuloy, aniyang igigiit ng Tsina ang mapagkaibigang patakaran sa Kambodya at ipagkakaloob ang tulong sa Kambodya.