Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga armadong MNLF sumalakay sa Basilan

(GMT+08:00) 2013-09-13 17:35:38       CRI

MGA TAGA-BASILAN NABABAHALA.  Ito ang pahayag ni Bishop Martin S. Jumoad ng Prelatura ng Basilan ng sumiklab ang labanan sa pagitan ng mga tagasunod ni Nur Misuari ng MNLF at mga kawal ng 104th Brigade ng Philippine Army kaninang mga ika-11 ng umaga.  (File photo ni Roy Lagarde)

NANGANGAMBA ang mga taga-Lamitan City sa Basilan Province sa pag-alingawngaw ng mga sandata ng magsagupa ang mga tagasunod ni Nur Misuari at mga tauhan ng 104th Division sa ilalim ni Col. Carlito Galvez.

Ayon kay Bishop Martin Jumoad, obispo ng Prelature of Isabela de Basilan, nagsimula ang putukan kaninang ika-11 ng umaga sa Barangay Colonia, may pitong kilometro mula sa sentro ng lungsod.

Narinig ng mga taga-Isabela City ang helicopters na lumipad at pinaputukan ang mga MNLF na sumalakay. Sa pangyayaring ito, umatras ang mga armado palayo sa barangay. Subalit may balitang lumabas sa media na may dalawa katao ang sugatan samantalang may limang nawawala at pinaniniwalaang ginamit na pananggalang o hostage ng mga MNLF.

Idinagdag pa ni Bishop Jumoad na may pakikipag-ugnayan siya sa kanyang mga paring malapit sa pook ng mga sagupaan.

Sa Zamboanga City, may sunog na nagaganap sa motorpool ng Zamboanga State College of Marine Sciences at isang tahanan sa Barangay Sta. Catalina matapos magsimula ang putukan.

Sa kaugnay na balita, nagpadala na ang Embahada ng Estados Unidos ng relief supplies sa Zamboanga City.

Batay sa isang pahayag, sinabi ng Embahada ng Estados Unidos na dinala na nila kaninang ika-apat at kalahati ng hapon ang mga relief goods na binubuo ng mga kumot, tulugan, kagamitan sa palikuran, mga timba, lampin, tubig na inumin at mga de lata.

Magtatayo rin sila ng mga palikuran at tangke ng tubig sa Joaquin F. Enriquez Sports Complex.

Kasunod na naganap na pagsalakay ng mga alagad ni Nur Misuari sa ilang barangay sa Zamboanga City, nagpahayag naman ng pagkabahala ang Resident and Humanitarian Coordinator sa Pilipinas ng United Nations.

Sa isang pahayag, nanawagan ang United Nations Country Team na tapusin na ang kaguluhan at lubhang nalulungkot sa pagkasawi ng ilang walang malay na mamamayan at nananawagang ligtas na palayain ang mga napagitna sa labanan.

Pinuri ng koponan ang ginawang prayoridad ng pamahalaang pangalagaan at ipagsanggalang ang mga sibilyan.

Pinabulaanan din ng koponan ng United Nations sa Maynila na mayroon silang tauhang nagngangalang Xavier Daniel na nagpapakilalang kumakatawan sa United Nations.

 

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>