Ipinhayag ni Reza Najafi, bagong Embahador ng Iran sa board meeting ng International Atomic Energy Agency (IAEA) na nakahanda ang Iran na paliwanagin ang mga ambiguity sa mga aktibidad na nuklear ng kanyang bansa, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng konstruktibong kooperasyon nila ng IAEA. Pero, binigyan-diin din niyang hindi magkokompromiso ang Iran sa karapatan ng pagpapaunlad ng tekonolohiyang nuklear.
Sinabi ito ni Najafi sa kanyang kauna-unahang talumpati sa pulong ng IAEA. Aniya, tutupadin ng Iran ang obligasyon batay sa Non-Proliferation Treaty (NPT) at tunay na isagawa ang kooperasyon sa IAEA sa pagsusuri ng dokumento ng "structured approach."
Pero, ang nasabing "structured approach" ay tinututuring ng Eatados Unitos bilang "excuse to delay" para pigilin ang pagsusuri ng IAEA sa planong nuklear ng Iran. Nang araw ring iyon, binigyan-diin ni Joseph E. Macmanus, Kinatawan ng E.U. sa IAEA na kung wala pang substansyal na progreso bago idaos ang susunod na board meeting, magsasagawa ang E.U. at iba pang kasaping bansa ng IAEA board ng mas higpit na hakbanging diplomatiko.