|
||||||||
|
||
NANGAKO si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na ipagpapatuloy ang operasyon laban sa Moro National Liberation Front na sangkot sa standoff sa mga kawal ng pamahalaan kung mananakit sila ng mga hostages o maninira ng mga gusali at pribadong ari-arian.
Dumating si Pangulong Aquino sa Zamboanga kanina sa gitna ng sagupaan sa pagitan ng pamahalaan at MNLF sa ikalimang araw. Pinalaya ng MNLF si Fr. Michael Ufana na binihag nila noong Lunes.
Sa pangyayaring ito, naglabas ng travel warning ang Embahada ng Estados Unidos sa kanilang mga mamamayan at iba pang mga banyaga na may peligrong mula sa extremist groups sa Mindanao.
Ani Pangulong Aquino, walang deadline na itinakda subalit kailangang kumilos na. Kung masasaktan ang hostages at manununog ng mga gusali, batid na ng mga alagad ng batas kung ano ang kanilang gagawin.
Sa kanyang pagharap sa media, sinabi ni Pangulong Aquino na desperado na ang mga MNLF sa pagtatangka nitong mabalam ang peace settlement sa kalabang mga MILF.
Umabot na sa 22 katao ang nasawi at 52 iba pa ang nasugatan sa limang araw na sagupaan samantalang 19 na MNLF ang sumuko o nadakip na, ayon kay Lt. Col. Ramon Zagala, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines.
Sa Maynila, sinabi ni Kalihim Edwin Lacierda na hindi mangingiming gumamit ng lakas ang pamahalaan upang matapos na ang standoff. Ginawa ni G. Lacierda ang pahayag matapos lumabas ang balitang mag sagupaan na naman sa Basilan. Nakipag-alyansa na ang MNLF sa Basilan sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at Al Qaeda.
Pinalaya nga si Fr. Ufana na may kolatilya. Pinalaya ang pari kasabay ng dalawang labi ng MNLF na napaslang.
Ayon kay Kalihim Manuel Araneta Roxas II, walang 70 hanggang 80 kasapi ng MNLF ang sumuko tulad ng binanggit ng ilang media outlets kagabi. Idinagdag pa niya na napalilibutan ng mga kawal ang mga MNLF sa limang barangay ng Zamboanga.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |