Idinaos ngayong araw sa Guiyang, Probinsyang Guizhou sa gawing Timog Kanluaran ng Tsina ang Ika-6 na Education Cooperation Exchange Week na nilahukan ng mga mataas na opisyal, namamahalang tauhan ng mataas na paalaran, iskolar at kinatawan ng mga estudyanteng dayuhan mula sa Tsina at mga bansang ASEAN.
Sa susunod na linggo, isasagawa ng mga kalahok ang malawakang pagpapalitan tungkol sa ibayo pang pagpapasulong ng pagpapalitang pang-edukasyon at pangkultura, pagpapahigpit ng pagtutulugan sa pagitan ng mataas na paalaran at iba pa.
At para pataasin ang pagpapalitan ng magkabilang panig sa isang bagong antas, sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, iniharap ni Chen Shun, Asistenteng Ministro ng Edukasyon ng Tsina ang tatlong mungkahing kinabibilangan ng una, pagpapalawak ng saklaw ng overseas student para pasiglahin ang bilateral na pagpapalitan; pangalawa, pagpapasulong ng pag-aaral sa bansa at rehiyon para palalimin ang pag-uunawaan; at pangatlo, pagpapahigpit ng paghubog ng talento para mapataas ang lebel ng pagpapalitan.