Idinaos ngayong araw dito sa Beijing ang UN/China Workshop on Human Space Technology na nilahukan ng mahigit 120 eksperto mula sa mahigit 20 bansa at rehiyon.
Sa susunod na limang araw, ibabahagi ng mga kalahok ang mga bunga ng kanilang pananaliksik at tatalakayin ang pinakahuling progreso at plano ng pag-unlad sa aspekto ng human space technology sa hinaharap. Bukod dito, pasusulungin din nila ang aplikasyon ng mga teknolohiya at hahanapin ang porma ng paglahok ng mga umunlad na bansa sa aktibidad na pangkalawakan.