Sa Havana, Cuba — Isinagawa dito kahapon ng mga kinatawan ng Cuba at Estados Unidos ang ika-2 round ng talastasan hinggil sa "muling pagpapasimula ng direktang koreo" sa pagitan ng dalawang bansa. Pagkaraan ng unang talastasan noong ika-18 at ika-19 ng Hunyo sa Washington, ito ang ika-2 beses na pagtitipon ng dalawang bansa tungkol sa nasabing paksa.
Ayon sa Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos, ang layon ng naturang talastasan ay balangkasin ang detalye hinggil sa subok-operasyon ng direktang koreo ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng