|
||||||||
|
||
Ani Sadain, para sa lahat ng Moro ang pinag-uusapan ngayon ng magkabilang panig. Si Sadain ang kalihim ng National Commission on Muslim Filipinos ay nagsabing ang mga Moro ang magdedesisyon kung sino sa kanila ang mamumuno sapagkat ganoon ang kalakaran ng demokrasya.
Sina Sadain, Government of the Philippines peace panel chair Miriam Coronel-Ferrer at mga kasama sa lupon ay nasa Kuala Lumpur upang ituloy ang pakikipag-usap sa Moro Islamic Liberation Front. Ang kanilang paksa ay kinabibilangan ng annexes sa power sharing at normalization, na kinabibilangan ng nilagdaang Annexes on Wealth Sharing na napakahalaga ng gagampanang papel sa Comprehensive Agreement na lalagdaan ng dalawang panig ngayong taon.
Hinggil sa mga hinaing ni MNLF Chairman Nur Misuari na hindi na pinansin ng pamahalaan ang kasunduan, itinanggi ito ni Sadain at nagsabing hindi nila tinalikdan ang nilalaman ng 1996 GPH-MNLF peace agreement.
Pinagtangkaan umano ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process at ng lupon na pagsamahin ang MNLF at MILF subalit wala sa poder ng OPAPP na puwersahin silang magsama sapagkat nasa MILF at MNLF ang magiging desisyon.
Nanawagan ang pamahalaan na tapusin na ang Tripartite Implementation Review Process ng 1996 GPH-MNLF Final Peace Agreement na sinimulan noong 2007 na itinataguyod ng Organization of Islamic Conference-Peace Committee on Southern Philippines.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |