"Walang karapatan ang mga bansang kanluranin na makialam sa mga suliraning panloob ng Syria." Ito ang pagkokondenang ipinahayag kahapon ng Ministring Panlabas ng Syria bilang tugon sa pahayag kamakailan ng Amerika, Britanya at Pransya na isusumite nito ang isang burador na resolusyon sa UN Security Council sa isyu ng sandatang kemikal ng Syria.
Ipinahayag ng panig Syrian na ang aksyong ito ng naturang 3 bansa ay naglalayong mapangalagaan lamang ang kanilang interes, sa halip ng mga mamamayan ng Syria.