|
||||||||
|
||
Kahapon, sa Great Hall of the People dito sa Beijing, nakipag-usap si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Abdullah II Bin Hussein, Hari ng Jordan. Malalim na nagpalitan sila ng mga palagay hinggil sa bilateral na relasyon at mga isyung kapuwa nila pinahahalagahan, at narating ang komong palagay.
Ipinahayag ni Xi na dapat katigan ng dalawang bansa ang isa't isa sa mga isyung may kinalaman sa kanilang nukleong kapakanan, mapanatili ang komunikasyon sa mga mahalagang isyung panrehiyon at pandaigdig, palalimin ang pagtitiwalaang pulitikal, palawakin ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, at pataasin ang lebel ng kooperasyon ng Tsina at mga bansa sa Gitnang Silangan. Dapat palakasin ng dalawang panig ang kooperasyong panseguridad at pandepensa, at pahigpitin ang pagpapalitang kultural.
Ipinahayag ni Abdullah II Bin Hussein na ang Tsina ay pangmatagalang estratehikong partnership na pangkooperasyon ng Jordan. Umaasa ang kanyang bansa na isasagawa ang malawak na pakikipagkooperasyon sa Tsina sa iba't ibang larangan, at dagdagan ang pagpapalitang kultural sa pagitan ng dalawang bansa. Lubos na pinapurihan ng Jordan ang mahalaga at positibong papel ng Tsina para pasulungin ang prosesong pangkapayapaan ng Gitnang Silangan. Nakahanda ang Jordan na magsikap, kasama ng Tsina, para isakatuparan ang kapayapaan, katatagan at pag-unlad ng rehiyong ito.
Pagkatapos ng pag-uusap, lumahok ang mga lider ng dalawang bansa sa seremoniya ng paglalagda ng mga dokumento hinggil sa bilateral na kooperasyon.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |