Ayon sa pinakahuling estaditstika na ipinalabas ng panig opisyal ng Tsina, noong unang 8 buwan ng taong ito, ang kabuuang halaga ng pagluluwas at pag-aangkat sa kalakalang panlabas ng Tsina ay lumampas ng 2.7 triliyong dolyares na lumaki ng 8.3% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon. Kasabay ng pagbuti ng kalagayang pangkabuhayan, nagiging optimistiko ang pagtaya ng panig opisyal ng Tsina sa kabuuang kalagayan ng kalakalang panlabas ng bansa.
Pagkatapos ng pagpapalabas ng pinakahuling estadistika, sa kauna-unahang pagkakataon, ipinahayag ni Shen Danyang, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, ang kompiyansa sa pagsasakatuparan ng target sa taong ito. Sinabi niyang kasabay ng recovery ng kabuhayan ng mga maunlad na economy, pagbilis ng pagbabago ng estruktura ng kalakalang panlabas, at pagiging mabisa ng mga kinauukulang patakaran, ang Tsina ay mayroong kompiyansa na isakatuparan ang inaasahang target sa taong ito sa pamamagitan ng lalo pang pagsisikap.
Noong unang hati ng taong ito, di-mabuti ang estadistika ng kalakalang panlabas ng Tsina, kaya ipinahayag nang maraming beses ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na hindi optimistiko ang kalagayan ng kalakalang panlabas. Pero, sa kasalukuyan, kasabay ng pagpapalabas ng naturang pinakahuling estadistika, nagiging mas optimistiko ang pagtaya ng Ministri ng Komersyo. Kaugnay ng dahilan ng pagbuti ng kalakalang panlabas, ipinahayag ni Shen na unang-una, ipinalabas ng pamahalaang Tsino ang isang serye ng kinauukulang patakaran na malakas na nagpapasulong sa kalakalang panlabas; ikalawa, bumubuti rin ang kapaligirang pangkalakalan sa loob at labas ng Tsina.
Datapuwa't tumatatag at bumubuti ang kalagayan ng kalakalang panlabas, ipinahayag rin ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na ang pandaigdigang kalagayang pangkabuhayan ay nananatiling di-mabuti, at kinakaharap ng pagluluwas at pag-aangkat ng Tsina ang maraming kahirapan at presyur. Hinggil dito, ipinahayag rin ng kinauukulang dalubhasang Tsino na dapat pabilisin ng mga bahay-kalakal ng kalakalang panlabas ang pagbabago ng estruktura at higit pang pataasin ang nukleong kakayahang kompetetibo.
Salin:Sarah