|
||||||||
|
||
Di-kukulangin sa 39 na katao ang nasawi sa sagupaan sa pagitan ng mga armadong tauhan at pulis ng Kenya na naganap kahapon sa Westgate Shopping Mall sa Nairobi, kabisera ng bansang ito. Bukod dito, mahigit 150 ang nasugatan.
Hanggang sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang komprontasyon sa pagitan ng mga armadong tauhan at pulis sa shopping mall.
Ayon sa ulat ng Embahadang Tsino, walang nadamay o nasugatang Tsino sa sagupaan.
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |