Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga mamamayang Tsino, aktibong lumahok sa "World Car Free Day"

(GMT+08:00) 2013-09-23 17:00:25       CRI

Kahapon, ika-22 ng Setyembre, ay "World Car Free Day." Sapul nang ipagdiwang sa Tsina ang naturang malawakang aktibidad ng sustenableng trapiko sa buong daigdig, mabilis itong lumaganap. Sa kasalukuyan, sumali dito ang 153 lunsod at mahigit 200 milyong mamamayan sa Tsina. Ang tema ng "World Car Free Day" ng Tsina sa kasalukuyang taon ay "Luntiang Trapiko, Sariwang Hangin."

Kasabay ng mabilis na pag-unlad ng kabuhayang Tsino, lumitaw ang ilang mga problema sa kapaligiran na gaya ng pagsikip ng trapiko at pagkakaroon ng haze, bagay na nagbunga ng malaking epekto sa produksyon at pamumuhay ng mga mamamayan. Sinimulan ng Tsina ang pagsali sa "Car Free Day" noong 2007, at iminungkahi ang luntiang trapiko.

Upang mabawasan ang paglabas ng mga sasakyang de motor, nang hindi makakaapekto sa normal na pamumuhay ng mga mamamayan, isinagawa kahapon ng iba't ibang purok ng Tsina ang maraming hakbangin na kinabibilangan ng paghahati ng car free zone, pag-aalok ng libreng sakay sa bus, pagdaragdag sa oras ng operasyon ng subway at iba pa. Pagkatapos ng ilang taon, buong lakas na lumaganap at naging palaki nang palaki ang impluwensiya ng ganitong aktibidad sa mga mamamayan.

Ang polusyon ng sasakyang de motor ay nagsisilbing grabeng banta sa kalusugan ng mga Tsino. Ayon sa datos, noong unang kuwarter ng taong ito, lumampas na sa 100 milyon ang bilang ng mga pribadong kotse sa Tsina. Kasabay nito, walang tigil na bumababa ang proporsyon ng pagbibisikleta sa mga lunsod ng Tsina. Kusang inorganisa kamakailan ng mga mamamayan sa iba't ibang sulok ng Tsina ang mga aktibidad ng luntiang pagbisikleta, para gawing aktuwal na aksyon ang islogan ng "low carbon life."

Tinukoy ng dalubhasa na ang aktibidad ng "Car Free Day" ay hindi lamang makakapagpataas ng kamalayan ng mga mamamayan sa luntiang trapiko, kundi makakapagpatnubay rin sa pagbabago ng pamahalaan ng mga lunsod ng modelo ng pagpapaunlad ng transportasyon, pagtatatag ng sistema ng luntiang trapiko, at pagpapalakas ng puwersa ng sustenableng pag-unlad ng mga lunsod.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>