Kinatagpo noong isang linggo ni Chen Guoping, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina ang anti-terrorism group ng Indonesiya na pinamumunuan ni Ansyaad Mbai, Puno ng National Anti-Terrorism Agency (BNPT) ng nasabing bansa.
Ipinahayag ni Chen na ang Tsina at Indonesia ay mapagkaibigang kapitbansa, at mataas na pinahahalagahan ng Tsina ang pagpapaunlad ng relasyon nito sa Indonesia. Nakahanda aniya ang Tsina na ibayo pang pahigpitin ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa panig Indones sa aspekto ng paglaban sa terorismo, at pangangalaga sa komong seguridad at kapakanan ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Mbai na ang Tsina ang pangunahing estratehikong partner ng Indonesia. Walang humpay aniyang lumalalim ang pragmatikong pagtutulungan ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan, at pareho ang ideya at praktis ng magkabilang panig sa aspekto ng anti-terrorism: kaya, malaki ang potensyal ng pagtutulungan.