Nahalal na Punong Ministro ng bagong pamahalaan si Hun Sen sa kauna-unahang pulong ng Ika-5 Pambansang Asembleya ng Kambodya na idinaos ngayong araw. Pinagtibay din sa pulong ang nominasyon ng mga lider ng pambansang asembleya at mga miyembro ng gabinete.
Pagkaraang isapubliko ng pambansang lupong elektoral ng Kambodya ang resulta, kinastigo ito ng National Rescue Party(CNRP). Ipinalalagay nilang lubhang lumabag ang halalan sa regulasyon at hiniling na buuin ang indipendiyenteng lupon upang imbestigahan at suriin ang resulta ng halalan. Tinanggihan naman ito ng naghaharing partidong People's Party ng Cambodia.