Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ikalawang round ng talastasan ng RCEP, idinaos

(GMT+08:00) 2013-09-24 17:51:11       CRI
Idinaos ngayong araw sa Brisbane, Australia, ang Ikalawang Round ng Talastasan ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).

Ang naturang pulong ay itinaguyod ng Economic Research Institute for ASEAN and East Asia (ERIA), at ang tema nito ay "mga hamon para sa pagsasakatuparan ng Asean Economic Community sa 2015 ". Lumahok sa naturang pulong ang 30 kinauukulang dalubhasa, iskolar, at mga personahe ng media mula sa ASEAN, Tsina, Hapon, Timog Korea, Rusya at iba pang bansa.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Hidetoshi Nishimura, Executive Director of ERIA, na ang malayang sonang pangkalakalan ng RCEP sa pamumuno ng ASEAN ay isang magandang mungkahi. Pagkatapos maitatag ang RCEP, sumaklaw ito sa mga 3 bilyong populasyon, at ang Economic Aggregate sa loob ng sonang ito ay umabot sa halos 2 bilyong dolyares.

Ang "Kasunduan ng RCEP" ay sumaklaw sa maraming larangan na kinabibilangan ng kalakalan ng paninda at serbisyo, pamumuhunan, karapatan sa pagmamay-ari sa likhang-isip o IPR, patakaran ng kompetisyon, mekanismo ng paglutas sa alitan, kooperasyon ng kabuhayan at teknolohiya, kooperasyon ng adwana at iba pa. Sa pulong, isinalaysay ni Titik Anas, dalubhasa ng Indonesya na bukod sa mekanismo ng paglutas sa alitan, magkapareho ang nilalaman ng naturang mga kasunduan at 5 kasunduan ng "ASEAN Plus 1" hinggil sa malayang sonang pangkalakalan na nilagdaan ng ASEAN at 6 na dilogue partner.

Nagsimula ang talastasan ng RCEP mula Nobyembre noong nakaraang taon, at maalwan ang prosesong ito. Idinaos ang unang talastasan ng RCEP sa Bandar Seri Begawan noong ika-9 ng Mayo ng taong ito. Ipinahayag ni Mahrub Murni, kinauukulang dalubhasa ng Brunei na lipos siya ng kompiyansa na matatapos ang talastasan ng RCEP sa Disyembre ng 2015. Hinggil dito, ipinahayag din ni Rebecca Fatima Sta Maria, Opisyal ng Malaysia na pagkatapos ng talastasan ng RCEP, maaari nang ibahagi ng Tsina at ASEAN ang yaman sa serbisyo, pamumuhunan at iba pang larangan, kasama na ang pagkatig sa isa't isa. Kaya, sa hinaharap, mas mabuti para sa mga bahay-kalakal ng Tsina na maglagak ng negosyo sa ASEAN.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>