|
||||||||
|
||
BINALAAN ni Kalihim Rosalinda D. Baldoz ang mga manggagawang Pilipino na nagnanais magkatrabaho sa Singapore na huwag magpapasa ng mga palsipikadong papeles o mga kwalipikasyon sapagkat pinag-iibayo ng Ministry of Manpower ang kanilang paglilitis sa nakalipas na ilang buwan ng mga banyagang nagsumite ng mga palsipikadong mga dokumento.
Ginawa ng kalihim ang babala matapos maglabas ng payo ang Embahada ng Pilipinas sa Singapore sa bagay na ito.
Nagmula ang babala kay Philippine Overseas Labor Attache Vic Cabe kamakailan. Ayon kay Cabe, mabigat na parusa ang naghihintay sa mga gagamit ng palsipikadong papeles sa Singapore.
Aabot sa P 690,000 ang multa at pagkakabilanggo ng hanggang dalawang taon ang kaukulang parusa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |