Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Nagaganap sa Zamboanga, isang humanitarian crisis

(GMT+08:00) 2013-09-25 18:31:42       CRI
ITINUTURING na ng United Nations Resident and Humanitarian Coordinator sa Pilipinas ang nagaganap sa Zamboanga at kapaligiran na isang humanitarian crisis sapagkat libu-libong tao ang nawala sa kanilang mga tahanan.

Ayon ky Luiza Carvalho, nababahala siya sa kalagayan ng mga nawalan ng tahanan at pagkakakitaan. Sa isang pahayag, sinabi ni Bb. Carvalho na lubha siyang nangangamba sa nagaganap Zamboanga at sa lumalaking pangangailangan ng mga mamayan na napagitna sa kaguluhan. Lubhang ikinababahala niya ang pinakanamimiligro, ang mga kababaihan at mga bata.

Ang nagaganap na standoff sa pagitan ng isang grupo ng mga Muslim na kaalyado ni Nur Misuari sa Moro National Liberation Front at ng pamahalaan ang ikinasawi na ng 132 katao at mayroong 158,000 katao ang apektado at may 10,000 mga tahanan ang napinsala.

Idinagdag pa ni Bb. Carvalho na may 109,000 katao ang apektado sa Zamboanga samantalang mayroong 19,000 naman ang apektado sa Basilan. Hirapan umanong manirahan ang may 70,000 katao sa isang sports complex sa Zamboanga City. Kulang umano ang sanitation facilities at malaki ang posibilidad na magkaroon ng problema sa kalusugan dala ng pagkain, tubig na maiinom. Health services, mga kagamitan sa pagluluto, mga tolda at iba pang pangangailangan.

Idinagdag pa niyang napapanahong tulungan ang mga napagitna sa kaguluhan sa Zamboanga at Basilan. Samantalang may ginagawa ang pamahalaan upang mapangalagaan ang mga walang kinalamang mamamayan sa gulo. Suportado umano ng humanitarian community ang mga nagagawa na ng gobyerno.

Nanawagan si Bb. Carvalho sa lahat na kilalanin ang principles of impartiality, humanity, neutrality at independence na napapaloob sa International Humanitarian law.

Umaasa si Carlvaho na ang lahat ng humanitarian workers na tumutulong sa mga biktima at mananatiling ligtas at iginagalang at titiyakin ng magkabilang panig ang kanilang kaligtasan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>