Ayon sa ulat kamakailan ng mass media ng India, di-umano ay ginamit minsan ng National Security Agency (NSA) ng Estados Unidos ang mga high-tech equipment para isagawa ang pag-eespiya sa mga organo ng India sa Amerika. Ang naturang impormasyon ay ipinalabas sa bisperas ng pagdalaw ng Punong Ministro ng India sa Estados Unidos, bagay na nakatawag ng malaking pansin ng opinyong publiko.
Sa katotohanan, ito ay hindi ang unang pagkakataon na isinapubliko ng Indian media ang ganitong impormasyon. Noong ika-24 ng Setyembre, inilathala ng pahayagang "The Hindu" ang balitang "Pinag-uukulan umano ng pansin ng NSA ang pulitika, kalawakan, at isyung nuklear ng India."
Salin: Li Feng