|
||||||||
|
||
Kamakalawa, naganap ang lindol na nagtala ng 7.7 sa richter scale sa Balochistan province ng Pakistan. Ayon sa pinakahuling balita ngayong araw, ng opisyal na media ng Pakistan, hanggang sa kasalukuyan, ikinamatay na ito ang 328 tao at ikinasugat ng mahigit 500 tao.
Sinabi ng tagapagsalita ng lokal na pamahalaan ng Balochistan na pinakamalubhang naapektuhan ang rehiyon ng Awaran sa Balochistan. Sa lugar na ito, naapektuhan ng lindol ang may 280 libong tao. Sa kasalukuyan, may kakulangan sa kagamitang medikal sa rehiyong ito.
Sa kasalukuyan, ipinadala na ng panig na militar ng Pakistan ang 1600 tao para isagawa ang relief work. Kasabay nito, ipinagkaloob na rin ng pamahalaan ang maraming gamit na panaklolo.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |