Nang kapanayamin ng mamamahayag ng China Radio International, ipinahayag kahapon ni Jin Yuan, commercial counsellor ng Tsina sa Kambodya na malaki ang potensiyal ng kaunlarang pangkabuhayan ng Kambodya at malawak ang kooperasyon ng Tsina at Kambodya sa aspekto ng kabuhayan at kalakalan.
Sinabi ni Jin na nitong ilang taong nakalipas, nananatiling matatag ang kalagayang pulitikal ng Kambodya, bumubuti ang pagtatag ng imprastruktura at walang humpay na dumadadag ang pamumuhunang dayuhan. Samantala, may maliwanag na pagkokompliment sa isa't isa ang Tsina at Kambodya sa kabuhaya't kalakalan, partikular na, sapul nang itatag ang komprehensibong estratehikong kooperatibong partnership ng magkabilang panig, aktibo at mabunga ang kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan. At sa kinabukasan, puwedeng pahigpitin ng dalawang bansa sa mga aspektong tulad ng pagtatag ng imprastruktura, agrikultura, industriya, turismo at iba pa.