Ipinahayag kahapon ni Gen Yansheng, Tagapagsalita ng Ministring Pandepensa ng Tsina na ang pananalita ng panig Hapones hinggil sa umano'y pagpapabagsak sa Unmanned Aerial Vehicle (UVA) ng Tsina ay tikis na. probokasyon sa panig Tsino.
Ayon sa ulat, ipinahayag kamakailan ng Ministring Pandepensa ng Hapon na kung lumusob ang UVA ng hukbong Tsino sa teritoryong panghimpapawid ng Hapon, isasa-alang-alang nilang pabagsakin ang mga ito para pahigpitin ang pagmomonitor at pangangalaga sa rehiyong pandagat sa paligid ng Diaoyu Island. Kaugnay nito, ipinahayag ni Geng na hindi mananalakay ang eroplano ng hukbong Tsino sa teritoryong panghimpapawid ng ibang bansa, pero, hindi rin pahihintulutan ng Tsina ang eroplano ng ibang bansa na sumalakay sa teritoryong panghimpapawid ng Tsina.