Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xi Jinping: palalalimin ang estratehiko't kooperatibong partnership ng Tsina at Afghanistan

(GMT+08:00) 2013-09-28 16:48:25       CRI

Nakipag-usap dito sa Beijing kahapon si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Hamid Karzai, dumadalaw na Pangulo ng Afghanistan. Malalimang nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang lider hinggil sa bilateral na relasyon, kalagayan ng Afghanistan, at mga isyung panrehiyo't pandaigdig na kapuwa nila pinahahalagahan, at narating nila ang mahalagang komong palagay tungkol sa pagpapalalim ng estratehiko't kooperatibong partnership ng dalawang bansa.

Kaugnay ng pagpapaunlad ng relasyong Sino-Afghan, iniharap ni Xi ang sumusunod na limang mungkahi: Una, panatilihin ang pagpapalagayan sa mataas na antas at pagpapalitan ng mga pamahalaan, organong lehislatibo, at partido, palakasin ang estratehikong pag-uugnayan sa mahahalagang isyu, at pahigpitin ang pagtitiwalaang pulitikal. Ika-2, palakasin ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng kabuhayan, kalakalan, nakontratang proyekto, paggagalugad ng yaman at enerhiya, konstruksyon ng imprastruktura at iba pa. Ika-3, palakasin ang kooperasyong panseguridad, at magkasamang bigyang-dagok ang "tatlong puwersa", pagpupuslit ng droga at transnasyonal na krimen. Ika-4, palawakin ang pagpapalitang kultural, at nakahanda ang Tsina na patuloy na magsanay ng iba't ibang uri ng talento para sa panig Afghan. At ika-5, palakasin ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan sa balangkas ng UN at iba pa, at katigan ang pagpapatingkad ng Shanghai Cooperation Organization ng mas malaking papel sa isyu ng Afghanistan.

Binigyan-diin din ni Xi na kinakatigan ng Tsina ang pangangalaga ng panig Afghan sa pagsasarili, soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa, at iginagalang ang pagpili ng mga mamamayang Afghan ng sariling landas ng pag-unlad batay sa aktuwal na kalagayan ng bansa. Kinakatigan din aniya ng kanyang bansa ang pagsasakatuparan ng matatag na transasyon ng Afghanistan, at pagpapabuti at pagpapaunlad ng relasyon sa ibang bansa sa rehiyong ito.

Ipinahayag naman ni Karzai na pinasasalamatan ng panig Afghan ang ibinigay na pag-unawa, paggalang, pagkatig at mahalagang papel ng panig Tsino sa isyu ng Afghanistan. Nakahanda aniyang palakasin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa kabuhayan, kalakalan at kultura. Buong tatag na kinakatigan at kinokoordinahan ng panig Afghan ang pagbibigay-dagok ng panig Tsino sa teroristikong puwersa, para maigarantiya ang komong kaligtasan.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>