|
||||||||
|
||
Sa kanyang talumpati sa debatehan ng ika-68 Pangkalahatang Asemblea ng UN kahapon, local time, muling iniharap ni Ministrong Panlabas Yun Byung-se ng Timog Korea ang ideya ng pagtatatag ng international peace park sa military buffer zone sa dakong gitna ng Korean Peninsula. Umaasa aniya silang maitatayo ang naturang parke sa isang bagong espasyo para maging palatandaan ng kapayapaan at harmoniya.
Ani Yun, umaasa silang makikipagtulungan ang UN sa Timog at Hilagang Korea, para mabigyang-katotohanan ang naturang ideya. Ito ay makakatulong sa pagtatatag ng pagtitiwalaan sa Korean Peninsula.
Sa kanya namang talumpati nang araw ring iyon, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na salamat sa magkakasamang pagsisikap ng iba't ibang may kinalamang panig, napahupa kamakailan ang kalagayan ng Korean Peninsula. Aniya, ang kasalukuyang taon ay ika-10 anibersaryo ng pagsisimula ng 6-Party Talks. Umaasa ang panig Tsino na malilikha ng iba't ibang panig ang kondisyon para sa muling pagdaraos ng 6-Party Talks sa lalong madaling panahon.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |