|
||||||||
|
||
Mula ika-2 hanggang ika-8 ng Oktubre, magsasagawa si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng dalaw-pang-estado sa Indonesia at Malaysia, at dadalo siya sa ika-21 di-pormal na pulong ng mga lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa Bali Island, Indonesia. Ipinahayag ng kinauukulang namamahalang tauhan ng Ministring Panlabas ng Tsina na may mahalagang katuturan ang naturang biyahe para sa komprehensibong pagpapalalim ng relasyong Sino-Indonesian at Sino-Malaysian, at ibayo pang pagpapaunlad ng relasyon ng Tsina at ASEAN. Aniya, magpapatingkad ito ng mahalagang papel para sa pagpapasulong ng pag-unlad ng kabuhayan ng Asya-Pasipiko at kooperasyong panrehiyon.
Ayon kay Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, bibigkas ng talumpati si Pangulong Xi sa Pambansang Asemblea ng Indonesia, para ilahad ang plano ng Tsina sa pagpapaunlad ng relasyon nila ng Indonesia at ASEAN, at maging ang ideya ng mapayapang pag-unlad ng Tsina. Napag-alaman, ito ang kauna-unahang pagkakataon na inanyayahan ng Pambansang Asemblea ng Indonesia ang isang dayuhang lider para magtalumpati.
Pagkatapos ng kanyang pagdalaw sa Indonesia at Malaysia, dadalo si Xi sa ika-21 di-pormal na pulong ng mga lider ng APEC.
Ayon kay Li Baodong, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang tema ng kasalukuyang pulong ay "Masiglang Asya-Pasipiko, Makinarya ng Buong Daigdig." Aniya, umaasa ang panig Tsino na gagawing pangunahing tungkulin ng naturang pulong ang pagpapasulong sa pagpapatingkad ng Asya-Pasipiko ng namumunong papel sa proseso ng pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.
Napag-alaman, sa gaganaping di-pormal na pulong ng mga lider ng APEC, ilalahad sa pulong ni Xi ang palagay ng panig Tsino sa kasalukuyang kalagayan ng kabuhayang pandaigdig, papel ng APEC sa pagpapalakas ng sistema ng multilateral na kalakalan, pag-uugnayan ng Asya-Pasipiko, sustenable at makatarungang paglago, at iba pang isyu. Sa APEC-CEO Summit naman, ipapaliwanag niya ang kalagayan ng kabuhayang Tsino at hakbangin ng reporma sa susunod na hakbang, at kanyang pananaw sa tunguhin ng pag-unlad ng Asya-Pasipiko sa hinaharap.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |