Itinaguyod kagabi sa Great Hall of the People dito sa Beijing ng Konseho ng Estado ng Tsina ang resepsyon bilang pagdiriwang ika-64 na Anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Republic of China. Dumalo sa resepsyon ang mga lider ng bansa at Partido Komunista ng Tsina (CPC) na gaya nina Xi Jinping, Li Keqiang, Zhang Dejiang, Yu Zhengsheng, Liu Yunshan, Wang Qishan, at Zhang Gaoli at mahigit 1100 panauhin sa loob at labas ng bansa.
Sa kanyang talumpati sa resepsyon, ipinaabot ni Li Keqiang, sa ngalan ng CPC at pamahalaang Tsino, ang pagbati sa mga mamamayang Tsino at overseas Chinese, at pasasalamat sa mga dayuhang kaibigan.
Sinabi ni Li na igigiit ng Tsina ang landas ng mapayapang pag-unlad at nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng ibang mga bansa, na makibahaginan ng pagkakataon ng pag-unald, magkakasamang harapin ang mga hamon at pangalagaan ang katatagan at kapayapaan ng rehiyon at buong daigdig.
Salin: Ernest