|
||||||||
|
||
Sa paanyaya ni Abdul Halim Mu'adzam Shah, Kataas-taasang Lider ng Malaysiya, sisimulan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsinaang kanyang dalaw na pang-estado sa Malaysiya sa ika-3 ng Oktubre. Sa isang news briefing sa Kuala Lumpur, ipinahayag kahapon ni Chai Xi, Embahador ng Tsina sa Malaysiya na bilang kauna-unahang pagdalaw ni Xi bilang pangulo sa bansang ASEAN, ang pagdalaw sa Malaysiya ay nagpapakitang pinahahalagahan ng bagong kolektibong pamunuan ng Tsina ang relasyon sa Malaysiya.
Ang Malaysiya ay pinakamalaking partner ng kalakalan ng Tsina sa Timog Silangang Asya, at salamat sa papel ng Malaysiya, masimulan ang diyalogo ng ASEAN at Tsina. Sinabi ni Chai na nitong 3 taong nakalipas sapul nang manungkulan siya bilang Embahador, nasaksihan niya ang mabilis na pag-unlad ng kalakalan ng Tsina at Malaysiya. Nananalig aniya siyang ang pagdalaw ni Xi ay ibayo pang magpapahigpit sa kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang panig.
Aniya, noong 2009, ang halaga ng kalakalan ng Tsina't Malaysiya ay umabot sa 52 bilyong dolyares, at mabilis na tumaas ang bilang na ito sa 72 bilyong dolyares noong 2010 at ibayong umabot sa 94.8 bilyong dolyares nitong nagdaang taon, at inaasahang aabot sa 100 bilyong dolyares sa taong ito. Ang layunin ng pagdalaw ng Pangulong Tsino ay para sa kalakalan-hindi lamang para mapataas ang kabuuang halaga ng kalakalan, kundi mapataas ang kalidad ng kalakalan.
Ipinahayag din ni Chai na ang pagdalaw ay isa ring mahalagang diplomatikong aksyon para mapalalim ang pagkakaibigan ng Tsina at mga kapitbansa at mapahigpit ang kooperasyong panrehiyon sa Asya-Pasipiko, sa ilalim ng background na may malalim na pagsasaayos ang kabuhayang pandaigdig.
Ang relasyon ng dalawang bansa ay tiyak na magtatamo ng breakthrough batay sa lubos na matatag na pundasyon, dagdag pa ni Chai.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |