|
||||||||
|
||
Opsiyal na sinimulan ngayong araw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang dalaw na pang-estado sa Indonesiya at nitong ilang araw na nakalipas, magkakahiwalay na nagpahayag ng mainit na pagtanggap sa pagdalaw ni Xi ang mga personahe mula sa iba't ibang sirkulo ng Indonesia at umaasa anila, silang patuloy na mapapahigpit ang pagtutulungan ng Tsina at Indonesia sa iba't ibang aspekto at mapapasulong ang relasyon ng magkabilang panig sa mas mataas na lebel.
Ipinahayag ni Mari El ka Pangestu, Minister of Tourism and Creative Economy of Indonesia, na ang pagdalaw ni Xi ay tiyak na makakabuti sa pagdating ng isang serye ng mga bagong komong palagay sa pagitan ng dalawang bansa batay sa kasalukuyang estratehikong partnership ng magkabilang panig, at para sa kanyang sarili, umaasa siyang ibayo pang mapapahigpit ang kooperasyon ng dalawang bansa sa aspekto ng kultura at turismo.
Ipinahayag naman ni Sudrajat, dating Embahador ng Indonesia sa Tsina, na mula noong taong 2006 hanggang taong 2010, pumanhik sa 28 bilyong dolyares ang kabuuang bolyum ng kalakalang bilateral ng Tsina at Indoneisya mula 12 bilyon. Pero, dalawang taong nakalipas lamang, umabot na sa 66 bilyon ang bilang na ito. Samantala, walang humpay na dumadalas ang pagpapalitan ng dalawang bansa sa mataas na antas pati sa mga karaniwang mamamayan na nagpapakitang nagtamo ang malaking progreso ang relasyong Indones-Sino.
Sinabi naman ni Suryo Bambang Sulisto, Tagapangulo ng Indonesian Chamber of Commerce and Industry na, mayroon aniyang ang Tsina ay pangunahing katuwang na pangkalakalan ng Tsina, magkaroon ng malaking pamilihan at masaganang yaman ang Indonesiya, at ang Tsina, puwedeng magkaloob ng teknik at pondo sa Indonesia. Nitong ilang taong nakalipas, maraming kompanyang Tsino ang pumiling mamuhunan sa Indonesia at nagpatingkad ng malaking papel sa pagpapasulong ng pagtatatag ng imprastruktura, pagdaragdag ng hanap-buhay at paglilipat ng teknolohiya. Umaasa aniya ang Indonesiya na maisasagawa nito ang kooperasyon sa Tsina sa mas maraming aspekto at magkasamang mapapasulong nila ang kabuhayan ng daigdig.
Ipinalalagay naman ng dating Chief correspondent ng Kampas, pinakamalaking pahayagan ng Indonesiya na pare-pareho ang pakikitungo ng Indonesiya at Tsina sa pangangalaga sa kapayapaang pandaigdig, hindi pakikialam sa mga suliraning panloob ng ibang bansa, at puwedeng magbahaginan ang dalawang panig ng kaunlarang pangkabuhayan, pagbabawas ng kahirapan at pagpapabuti sa social welfare. Puwede ring magtulungan ang Indonesia at Tsina para sa pagsasakatuparan ng komong hangarin.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |