|
||||||||
|
||
Ngayong hapon, dumating ng Jakarta si Pangulong Xi Jinping ng Tsina para pasimulan ang kanyang dalaw-pang-estado sa bansang ito.
Sa panahon ng pagdalaw, makikipag-usap ang Pangulong Tsino kay Pangulong Susilo Bambang Yudhoyono ng Indonesia, at makikipagtagpo rin siya kay Pangalawang Pangulong Boediono, at sa puno ng parliamento. Bibigkas si Xi ng talumpati sa Pambansang Asemlea ng Indonesia para ilahad ang ideya ng Tsina sa ibayo pang pagpapasulong ng relasyong Sino-Indones at relasyong Sino-ASEAN, at ang ideya ng mapayapang pag-unlad ng Tsina.
Ipinahayag kamakailan ni Pangulong Susilo na mainit na winiwelkam ng mga mamamayang Indones ang gagawing pagdalaw ni Pangulong Xi sa Indonesia at pagdalo sa Ika-21 Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) na gaganapin sa Bali Island.
Nitong ilang taong nakalipas, mabilis na umuunlad ang estratehikong partnership ng Tsina at Indonsia, at walang humpay na sumusulong ang kanilang kooperasyon sa iba't-ibang larangan. Noong isang taon, umakyat sa mahigit 66 bilyong dolyares ang halaga ng bilateral na kalakalan ng dalawang bansa. Ang Tsina ngayon ay ika-2 pinakamalaking trade partner ng Indonesia.
Bukod sa Indonesia, dadalawin din ng Pangulong Tsino ang Malaysia.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |