Dahil sa masiglang pamumuhunan, konsumo at iba pang elemento, itinaas kahapon ng Asian Development Bank (ADB) ang forecast sa paglaki ng kabuhayan ng Pilipinas mula dating 6% hanggang 7%.
Ayon sa Asian Development Outlook 2013 na ipinalabas ng ADB kahapon, hindi maaapektuhan ng kalagayang pandaigdig ang kaunlarang pangkabuhayan ng Pilipinas sa kasalukuyan at susunod na taon, at ang pangunahing hamong kinakaharap ng bansang ito ay paglikha ng hanap-buhay pa rin. Anito pa, nitong 20 taong nakalipas, habang lumilitaw ang resesyon sa manufacturing industry, ngunit, hindi kayang tugunan ng industriya ng serbisyo ang lahat ng kawalang-trabaho, kaya, dapat isagawa ang hakbangin ng pamahalaan ng Pilipinas para pasiglahin ang manufacturing industry at komprehensibong kompanyang agrikultural, nang sa gayo'y, makalikha ng mas maraming pagkakataon para sa pagkakaroon ng hanap-buhay.