Ipinahayag kahapon ni Punong Ministro Najib Razak ng Malaysia ang pananabik ng kanyang bansa na ibayo pang mapasulong ang pakikipagtulungan nito sa Tsina.
Sa isang panayam bago ang dalaw na pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Malaysia, sinabi ni Punong Ministro Najib na sa pagdalaw ni Xi, maitatakda ang bagong direksyong pangkooperasyon ng Malaysia at Tsina sa larangan ng edukasyon, siyensiya, pinansiya at turismo sapul nang itatag ang bilateral na relasyong diplomatiko noong 1974.
Kaugnay ng relasyong Sino-ASEAN, sinabi ni Najib na sa okasyon ng ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng dalawang panig, pahalaga nang pahalaga ang ugnayan at kooperasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN. Dadag pa niya, kasabay ng pagtatag ng ASEAN Economic Community sa taong 2015, ibayo pang isusulong ang relasyong Sino-ASEAN.
Salin: Jade