|
||||||||
|
||
Kasama niyang humarap sa mga mamamahayag ay si dating US Defense Undersecretary for Policy Walter B. Slocombe mula 1994 hanggang 2001.
Ito ang pahayag ni Admiral Dennis C. Blair (Kaliwa) dating Command In Chief ng US Pacific Command sa forum na idinaos ng Management Association of the Philippines at iba pang mga samahan sa Asian Institute of Management. Kasama niyang humarap sa open forum/press conference si dating US Defense Undersecretary for Policy Walter B. Slocombe. (Melo M. Acuna)
Ayon kay Admiral Blair, maraming oportunidad at mga peligrong kinakaharap ang Tsina subalit sa mga pagkakataong ito, makikita kung paano babalansehin ng mga pinuno ng Tsina ang magandang pakikipagrelasyon nito sa mga kalapit bansa sa rehiyon.
Sa kaunlarang natamo ng Tsina, nakinabang din ang rehiyon at ang daigdig. Idinagdag pa ni Admiral Blair na napakalaki ng Tsina at mayroong kakaibang kasaysayan.
Nahaharap si Pangulong Xi sa maraming hamon tulad ng economic models na tumakbo sa nakalipas na 30 taon at nagbigay ng 10% ng kaunlaran sa bawat taon subalit kaharap din niya ang kahilingang magkaroon ng mas mataas na sahod, maraming suliranin sa kalikasan, ang patuloy na tumataas ng demand para sa mga produktong gawa rin sa Tsina. Lumalaki rin umano ang bilang ng mahihirap kung ihahambing sa datos noong 1979.
Sa mga hindi pagkakaunawaan sa karagatan at mga nasasakupan, tanging sa payapang paraan lamang matatamo ang nais na katatagan at katahimikan sa buong rehiyon.
Ani Admiral Blair, dalangin niyang magtagumpay ang Tsina sa paglutas sa mga suliranin sa payapang paraan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |