Kinatagpo kaninang umaga sa Bali, Indonesya, si Xi Jinping, Pangulo ng Tsina, ni Sebastian Piñera, Pangulo ng Chile.
Ipinahayag ni Xi na itinatag na ng Tsina at Chile ang estratehikong partnership at bilateral na malayang sonang pangkalakalan, at malaki ang potensiyal ng kooperasyon ng dalawang bansa. Ito aniya ay maaaring magsilbing modelo ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan at komong pag-unlad sa pagitan ng Tsina at mga bansa sa Latin Amerika.
Sinabi naman ni Piñera na ang Chile ay ang kauna-unahang bansa ng Latin Amerikang nakipagtatag ng relasyong diplomatiko sa Tsina. Nakahanda ang kanyang bansa na palakasin ang estratehikong partnership nila ng Tsina, pasulungin ang kalakalan at pamumuhunan sa isa't isa, at palawakin ang kooperasyon sa larangan ng malinis na enerhiya, konstruksyon ng imprastruktura, pagpipigil ng kalamidad, edukasyon at iba pa. Wini-welcome din niya ang pagtatatag ng Tsina ng sentro ng pananaliksik sa Chile para sa magkasanib na pag-aaral sa astronomiya. Nakahanda rin ang Chile na aktibong pasulungin ang porum ng kooperasyon ng Latin Amerika at Tsina.