Sa Bali, Indonesya. Nakipagtagpo dito ngayong araw si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Leung Chun-ying, Punong Ehekutibo ng Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR).
Kapuwa sila dumadalo sa ika-21 Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC).
Pinapurihan ni Xi ang mga gawain ng pamahalaan ng HKSAR. Aniya, sa mula't mula pa ay kumakatig ang sentral na pamahalaan sa HK para sa kasaganaang pang-kabuhayan at katatagang panlipunan, at ito ay hindi magbabago. Umaasa aniya siyang patuloy na mananangan ang pamahalaan ng HKSAR sa administrasyon alinsunod sa batas, at pabubutihin ang pamumuhay ng mga mamamayan.
salin:wle