Binuksan kaninang umaga sa Bali, Indonesya ang Ika-21 Pulong ng mga Lider ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC), at dumalo rito si Xi Jinping, Pangulo ng Tsina.
Ang tema ng summit na ito ay "Resilient Asia-Pacific, Engine of Global Growth." Tatalakayin ng mga kalahok na lider ang pagsasakatuparan ng Bogor Goals, sustenable at pantay-pantay na pag-unlad, inter-connectivity ng Asia-Pacific at iba pang isyu. Bukod dito, pahahalagahan din nila ang integrasyon ng kabuhayang panrehiyon, sistema ng mutilateral na kalakalan, pagsasaayos ng estruktura ng kabuhayan at iba pa.
Ito ay ang kauna-unahang pagkakataong lumahok si Pangulong Xi Jinping sa pulong ng APEC.
salin:wle