|
||||||||
|
||
Dagdag ni Prasirtsuk, ang ASEAN ay maaaring maging "pivot" sa pagitan ng mga malaking bansa. Walang presyur sa platapormang ito, kaya, puwedeng talakayin ng iba't ibang panig ang mga isyung kanilang pinahahalagahan, kabilang na ang mga isyu ng ASEAN mismo.
Sinabi pa niyang may kompetisyon ang mga malaking bansa sa rehiyong ito, at ito ay isang "espadang may magkabilang talim" para sa ASEAN.
Aniya, dahil sa presensya ng mga malaking bansa sa rehiyon, may espasyo ang ASEAN para sa talastasan at pagpili. Samantala, dapat aniyang palalimin ng ASEAN ang integrasyon at magsalita sa isang tinig para mapalakas ang sariling kakayahan. Pero, kung sobrang mainit ang kompetisyon ng mga malaking bansa sa rehiyon, lalaki ang hamon ng pagiging di-matatag, at ito ay magdudulot ng negatibong epekto sa ASEAN.
salin:wle
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |