|
||||||||
|
||
Kahapon, sa Bali Island, Indonesya, nakipagtagpo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Vladmir Putin ng Rusya. Nagpalitan ng mga palagay ng dalawang lider hinggil sa komprehensibong estratehikong partnership ng koordinasyon ng Tsina at Rusya, at mga isyung kapuwa nila pinahahalagahan.
Ipinahayag ni Xi na ito ang ika-5 beses na nilang pag-tatagpo ni Putin sa taong ito, at ito ay lubos na nagpapakita ng mabuting relasyon ng Tsina at Rusya sa mataas na antas. Ipinahayag din niyang sa taong ito, magkakaroon ng maraming mahalagang pangyayari sa pagitan ng dalawang bansa na tulad ng regular na pagtatagpo ng mga Punong Ministro ng dalawang bansa, seremonya ng pagpipinid ng taong panturismo ng Tsina at Rusya, at iba pa. Dagdag ni Xi, dapat mahigpit na magkooperasyon ang dalawang bansa para mas mabuting maitaguyod ang naturang mga aktibidad. Bukod dito, dapat aniyang mahigpit na magtulungan din ang dalawang bansa sa iba't ibang larangan, patuloy na panatilihin ang pagkokoordinasyon sa mga suliraning pandaigdig. Tinukoy ni Xi na ang Tsina at Rusya ay mayroong malawak na komong interes sa rehiyong Asiya-Pasipiko. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ang Rusya, para magkasamang mapangalagaan ang katiwasayan, katatagan at kasaganaan ng rehiyong ito.
Ipinahayag naman ni Putin na sa kasalukuyan, mainam ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Rusya, madalas ang pagpapalitan ng mga lider ng dalawang bansa, walang humpay na pinapalakas ang kooperasyon at pagpapalitan ng dalawang panig sa iba't ibang larangan, at mabuti ang kooperasy con sa mga mahalagang isyung panrehiyon at pandaigdig. Nakahanda ang Rusya na magsikap, kasama ang Tsina, para lalo pang pasulungin ang aktuwal na kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan, at palakasin ang koordinasyon sa mga suliraning pandaigdig, ani Putin.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |